Impluwensya ng Relihiyon, Kaisipang Asyano at Pilosopiya sa Pamumuhay at Sibilisasyon sa Asya


Lahat ng tao sa Asya ay may kanya-kanyang uri ng pamumuhay. paniniwala, relihiyon, pilosopiya at kultura.  Ito ay kadalasang nagmumula sa uri ng pang unawa nila sa mga bagay bagay sa mundo.  Ang Asya ay kilala sa pagkakaroon ng kakatangi-tanging pilosopiya at kultura na kakaiba sa ibang bahagi ng mundo tulad ng Europa at ng Amerika.

Ang pilosopiya ng isang bansa ay binubuo ng kanilang pang unawa at tingin sa mundo. Kadalasan, ito ay depende sa pangangailangan ng isang bansa o komunidad. Ang ating sariling pilosopiya ay nagsisilbing gabay kung paano tayo kumilos at makihalubilo sa ating kapwa tao. Dito tayo bumubuo ang ating sariling "values" na ating sinusunod upang tayo ay kumilos ng maayos at marangal. Sa Asya, ang Jainism, Sikhism, Confucianism, Daoism at Buddhism ang ilan sa mga kilalang pilosopiya na nagmula sa India at Tsina.Sa kabilang banda,  maraming uri ng relihiyon din ang umusbong tulad ng Taoism, Hinduism, Buddhism, Islam, Shinto, Daoism, Shamanism, Animism at Legalism.

Malaki ang kontribusyon at impluwensya ng relihiyon at pilosopiya sa uri ng pamumuhay at kilos ng mga tao sa Asya sapagkat ito ang kanilang nagsilbing gabay paano mabuhay ng tahimik at maayos sa isang komunidad na kaninang kinabibilangan, Dahil din sa relihiyon at paniniwala sa Maykapal, malaki ang pagpapahalaga nila sa buhay at sila ay sumusunod ayun sa mga utos nito. Naniniwala sila sa reinkarnasyon at sinisikap nilang mabuhay ng maayos upang sa kanilang susunod na buhay ay mas magiging maganda ang kanilang estado.

Isa sa mga katangian ng Asyano ang pagiging masunurin at mapagpakumbaba na naging sanhi upang madali silang masakop ng ibang bansa. Malaki din ang pagpapahalaga nila sa pamilya at sa grupong  kinabibilangan. Para sa kanila, hindi buo ang kanilang pagkatao kung hindi sila nabibilang sa isang komunidad. 

Mga Komento